IKAANIM NA TAGPO
Lights On.
Naghuhugas ng Plato si Aling Dolores. Darating si Mang Vick galling sa
Paaralan.
Aling Dolores: Oh Vick.
Mang Vick: Ibababa ang mga dala. At sabay
uupo sa Sofa. Yung mga teacher ko talaga, hindi matanggap yung kasabayan nilang
nag file ng promotion na naunang na promote sa kanila. Porke daw may kapit sa
taas. Mapromote man si Sir Pelaez, wala na kaming magagawa dun. Kagustuhan ng
Region yun at tsaka kumpleto naman ang promotion papers niya. Bakit hindi sila
magsikap para mapromote din sila.
Aling Dolores: Nagtataka ka pa eh talaga
namang ganyan ang mga Pinoy. Tingnan mo, hindi pa rin umaasenso ang bansa dahil
sa ugaling Crab Mentality. Kapag nakikitang umaangat ang isa, siya namang
hihilahin pababa. Dapat nga maging inspirasyon pa nila eh hindi eh mas masahol
pa ang ginagawa.
Darating naman ang
magkapatid na Cheska at Nicky.
Cheska: Lagot ka kay tatay Nicky!
Nicky: Kahit na, ang takot ko ay!
Cheska: Si Nicky pot ay nakipagsabunutan
kanina sa kaklase niya.
Mang Vick: Nicky, totoo bay un?
Nicky: Opo tatay!
Mang Vick: Bakit naman nakipagsabunutan ka
Nicky?
Cheska: Sabi po nung isa niyang
kaklase, sinira daw niya yung piniling drawing ng titser nila kaya ayun nagalit
sa kanya tapos nagsabunutan na sila. Nagbitaw ng hindi magandang salita itong
isa kaya sinabunutan agad ni Nicky.
Mang Vick: Aba naman Nicky, ikaw na nga
itong may kasalanan, ikaw pa itong nangunang makipag-away. Naiinggit ka ba
dahil nanalo ang sa isa mong kaklase kaya mo sinira. Ang inggit nay an ay hindi
nalalayo sa kasakiman ‘pagkat ditto’y iniisip natin na sana nasa atin ay mga
bagay na nasa kanila o di naman nasa atin at wala sa kanila. Kaya ‘pag ito’y
lalong ginatungan at naglalagadlab sa ating sarili nagiging mapangwasak ito sa
iba. Kilalanin natin ang kagalingan ng iba matuwa tayo pagka’t sila’y nasa
maayos na kalagayan. Bukod pa rito tanggapin natin kung anong meron tayo kung
gusto nating magkaroon ng ganoong bagay pagsikapin natin na makuha ito sa
mabuting paraan. Pumarito ka nga ditto sa tabi ko. Sa bagong tipan ng Biblia,
ano yung unang sitwasyon na naglalahad ng pagkainggit sa humantong sa planong
pagpatay?
Cheska: Ano po yun tay?
[Narration—voice
over, lights off]
Lights on.
Si Haring Herodes,
nakaupo sa kanyang trono. Lalapit ang isang kawal.
Kawal: Mahal na Haring Herodes
natagpuan na raw ang tatlong haring pantas. Nasa labas na sila ng palasyo.
Haring Herodes: mabuti patutluyin sila at dalhin
sa harap ko.
Aalis ang kawal at
patutuluyin ang tatlong Hari.
Tatlong Hari: (luluhod sa harapan) Paggalang ang bati naming sa iyo’y
kataas-taasan sa kahariang ito, Haring Herodes.
Haring Herodes: Ikinagagalak ko ang pagdalaw
ninyo sa kaharian ko. Nabalitaan ko ang paghahanap nyo sa dakilang sanggol na
isisilang ditto sa Judea.
Haring Baltazar: Tunay nga na kami’y naghahanap
ng isang dakilang sanggol ditto sa lugar na nasasakupan mo. Marahil siya ay
isinilang na.
Haring Melchor: Ang Anghel ng Panginoong Diyos
ay nagpapakita sa aming mga panaginip at ibinalita sa amin ang tungkol sa
pagsilang niya. Ayon sa mga hula at kasulatan, ang lugar ay nakasulat sa
nasasakupan mo.
Haring Gaspar: Nakapagtatakang kaming tatlo ay
pinagtagpo sa paghahanap. Narito kami ngayon upang magpugay sa sanggol na
Mesiyas na mula sa lahi ni David, taglay ang mahahalagang kayamanan na aming
handog sa kanya.
Haring Herodes: Aha! Ganun ba. Magandang balita
yan at ikinagagalak ko na malaman mula sa inyo. Kung ganun, Malaya kayong
makapaghahanap sa nasasakupan ng kaharian ko. Kapag natagpuan niyo sya, agad
niyong ipagbigay alam sa akin ng makapagpugay din namamn ako at makapagbigay ng
aking natatanging handog sa Mesiyas.
Sabay-sabay ang
tatlo: Masusunod
Kamahalan!
Lilisan ang tatlong
Hari. Magiisip si Herodes.
Haring Herodes: Hinahanap nila ang Sanggool na
isisilang ditto sa aking nasasakupan ang Mesiyas ang dakilang Hari ng Israel na
nasasaad sa mga hula at kasulatan. Oo, sa kanyang paglaki Siya ang aagaw sa
kaharian ko. Tama, kapag nagbalik sila at ipinaalam sa akin ang kinaroroonan ng
sanggol, madali ko nang maipapapatay Siya. Hahahaha.....!!! Walang makakaagaw
sa kaharian kong ito, wala! Hahahahah,,,...!!!!
(Voice over)
Lights Off.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento