SAMAHAN NG MGA AKTIBONG KABATAAN NI STA. THERESA

SAMAHAN NG MGA AKTIBONG KABATAAN NI STA. THERESA

SAKASTHE - Panuluyan 2013 (Ikawalong Tagpo)

Sabado, Disyembre 28, 2013



IKAWALONG TAGPO

Lights on. Dinidekorasyunan at sinasabitan ng mga makukulay na laruan ng mag-anak ang kanilang Christmas tree. Mapapakinggang ang awiting pampasko sa kanilang radio.

Cheska: (Nanonood) Wow, ang ganda na nang aming Christmas Tree.

Mang Vick: Okey to kaysa bumili pa tayo ng panibagong Christmas Tree diba? Gagastos pa tayo ng malaki.

Aling Dolores: Pagkatapos ng pasko itatago natin ito para sa susunod na pasko meron na tayo. Hindi na tayo gagawa uli. 

Andrew: Nay, lapit na pasko hindi myo pa kami binibilhan ng bagong damit.

Nicky: Oo nga po wala kaming isusuot na bago sa pasko. Sila Ann nga po binilhan na nang kanyang mama eh.

Cheska: ano nga pop ala ang handa natin sa pasko? Gusto ko yung Spaghetti, adobong manok, salad, ham, mga kakanin. Last year ang dami nating handa. Sana ganun uli.

Magkakatinginan ang mag-asawa.

Mang Vick: Mga anak maganda sana kung maibibili namin kayo ng inyong nanay ng bagong damit, pantaloon, sapatos. Maganda rin sana na makapaghanda tayo na masasarap na pagkain ngayong pasko. Kaso nga lang may mas mahala tayong dapat pagkagastusan ngayon na para din sa inyo. Siguro kahit papaano, may maihahanda pa rin tayo na ating mapagsasaluhan.

Aling Dolores: Ganun nga, mga anak. Kailangan muna nating magtipid ngayon. Maaayos pa naman ang mga damit nyo.

Andrew: Hindi nyo po kami mabibilhan para sa pasko. Tapos wala pa tayong handa!

Nicky: Ang lungkot naman ng ating pasko ngayon.

Mang Vick: (uupo sa sofa) parito kayo mga anak.
Uupo sa tabi niya ang tatlong magkakapatid.

Mang Vick: Dapat ninyong malaman kung bakit natin ipinagdiriwang ang pasko.

Andrew: Ang pasko po ay araw ng pagsilang kay Hesus.

Mang Vick: Tama ang sagot mo. Pero higit pa diyan ang gusting ipaalala sa atin ng kapaskuhan. Kung babalikan natin ang kwento ng unang pasko, isa itong napakalungkot at napakaligayang pangyayari. Napalungkot pagkat si Hesus ang bugtong na anak ng Diyos, ang dakilang tagapagligtas ng sangkatauhan ay isinilang sa isang hamak na sabsaban.

(Batid natin bago pa man kung paano naranasan nina Maria at Jose ang hirap sa paghahanap ng mapagsisilangan kay Hesus. Walang nagpatuloy sa kanila. Kaya kung iisipin natin hindi ito ang iaaasahan natin na lugar sa isang dakilang sanggol na anak ng Diyos. Ito’y isang kagalakan para sa lahat dahil tinupad ng Diyos ang kanyang pangakong kaligtasan ng sanlibutan, na siyang nasusulat sa lupang tipan ng magkasala si Eva’t Adan)

Lights off.
Lights on. Apat na pastol na sa kalaliman ng gabi ang gising pa sa pagbabantay ng mga tupa. Dalawa ang nakaupo at dalawa ang nakahiga.

Unang Pastol (Nakaupo): Mabuti na lang nahagip ng bala ng tirador ang paa ng asong lobo. Kaya madali siyang naaabutan at napatay.

Ikalawang Pastol (Nakahiga): Yun! Naihaw siya nang wala sa oras. Ayos ang hapunan natin.

Ikatlong Pastol (Nakaupo): Yung mga pastol sa kabilang ibayo nadalihan daw sila ng tatlong tupa nitong mga nakaraang araw.

Unang Pastol (Nakaupo): Napatay daw ba nila yung lobo?

Ikalawang Pastol (Nakaupo): Hindi raw. Gabi raw kung naninira. Hindi nila matyempuhan.

Ikatlong Pastol (Nakaupo): Kaya dapat lagi tayong nagmamasid sa ganitong oras. Mahirap na ang maisahan. Lagot tayo sa ating amo.

Unang Pastol (Nakaupo): Yun nga eh, kung sino pa yung nagsasabi yun pa ang natutulog. (Hihikab) Nakakaantok (Uub-ob sa kanyang Tuhod).

Mangingibabaw ang katahimikan ng ilang sandali. Biglang magpapakita sa mga pastol ang isang putting-puting Anghel.

Unang Pastol (Nakaupo): (iaangat ang ulo mula sa tuhod. Magugulat at matatakot sa makikita) Huh! Mga kasama! Gising kayo! (nagmamadaling tatapikin ang kanyang mga kasamang natutulog)

Anghel: Huwag kayong matakot! May mabuting balita ako sa inyo! Malaking kagalakan sa tanang mga tao. Isinilang ngayon sa inyo sa lungsod ni David ang tagapagligtas, ang Mesiyas, an gating Panginoon. Ito ang palatandaan. Matatagpuan nyo ang isang sanggol na nababalot sa lampin, sa isang sabsaban.

Lilitaw ang maraming anghel. Sila’y aawitan ng mga papuri sa Diyos.

(Mga Anghel) Luwalhati, Luwalhati, Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan (2x))

Lights off.
Lights on.

Isang sabsaban na matatanglawan ng isang lampara. Sa loob, nababalutan ng lampin ang isang sanggol na nakahiga sa dayami. Sa magkabilang tabi, masayang pinagmamasdan siya nina Maria at Jose. Sa labas nakamasid ang mga hayop. Mula sa kalayuan lalapit ditto ang mga pastol.

Unang Pastol: Hayun may isang sabsaban na natatangalawan. Marahil diyan isinilang ang Mesiyas. Magmadali kayo!

Titigil sila sa pintuan at isa-isang papasok para yumukod.

Ikalawang Pastol: Narito nga ang sanggol na ipinahayag sa atin ng anghel.

Darating ang Tatlong Haring Bago, Dala-Dala ang kanilang mga handog. Papasok sila sa loob.

Haring Baltazar: Ngayon Natagpuan din naming ang dakilang sanggol. Purihin ang Diyos. Purihin Ka aming Panginoon.

Haring Melchor: Ngayon Nangyari na ang nasasaad sa mga kasulatan at mga hula na inihayag din sa amin ng Panginoong Diyos.

Haring Gaspar: Kami’y tunay na pinagpala ng Panginoong Diyos ‘pagkat idinulot niyang masilayan naming ang sanggol, ang Mesiyas.

Haring Baltazar: Pinagpala ang bayang ito, lubos na pinagpala tayo, inimbitahan ng Panginoon sa banal na pagsilang sa sanggol. Para sayo, handog namin ang ginto.

Haring Melchor: Pilak.

Haring Gaspar: At Kamangyan.

Lights off.
Lights on. Patuloy na nakikinig ang magkakapatid sa kanilang ama.

Mang Vick: Kung ang unang pasko ay naganap sa isang hamak na sabsaban, alalahanin dapat sana natin na ang pagdiriwang natin ngayon ng pasko ay hindi sana nakatali sa mga handa o bagong damit at magagandang dekorasyon sa araw ng pasko. Ipinakikita ng unang pasko ang kapayakan, katahimikan at kadalisayan ng pangyayari. Kaya ang kapaskuhan ay panahon ng pasasalamat natin sa Panginoong Diyos sa pagkakaloob niya sa atin nang Kanyang Bugtong na Anak na tagapagligtas nating lahat.

Aling Dolores: Sinasambit din nito ang pagmamahalan at pagbibigayan sa bawat isa. Kung paano tayo minahal ng Diyos at pagkakaloob niya ng kanyang Bugtong na anak, ito rin ang inaasahan sa ating lahat hindi lang sa kapanahunan ng pasko, sa araw-araw.

Cheska: Kaya pala ang sabi sa isang kanta ay “kahit hindi pasko ay magbigayan”.

Andrew: Sige po, OK lang po kahit hindi nyo na kami ibili ng mga bagong damit.

Nicky: Kahit simpleng pagkain na lang ang ating ihanda sa pasko. Basta tayo ay sama sama sa isang simpleng Noche Buena.

Mang Vick:  Oh Tara na! Tapusin natin itong Christmas Tree.

Andrew: Sige Po, Marami pa pala tayong ikakabit na pabitin na mga laruan.

Nicky: Ako din magkakabit ng mga laruan.

Aling Dolores: Oh Heto magmeryenda muna tayo.

Mang Vick: Aba mas lalong Ok yan! Oh Magmeryenda na tayo mga anak

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

 

Like Us On Facebook

Free Web Counter

FRIENDSHIP

Sponsors

coolcat casino