IKAPITONG TAGPO
Lights On. Sa
salas, Magkatabi ang mang asawang Vick at Dolores.
Aling Dolores: Nakakainis, magtataas na naman
daw ang kuryente ng Piso kada kilowatt hour. Hindi lang yun, pati mga bilihin
at Gasolina nagsitaasan na rin. Magpapasko pa naman.
Mang Vick: Ano kaya ang magandang
maidudulot nun, katulad ba ng pagtaas ng Presyo ng Alak at Sigarilyo dahil sa
pagtaas ng TAX. Na kuno daw ay para makaiwas sa masamang dulot nito. Pero anung
nangyari, naglabasan naman ang iba pang klase ng sigarilyo na mabibili sa
murang halaga. Yung iba nga kahit mahal bumubili pa rin eh.
Aling Dolores: Dapat sa mga panahong ito
kailangan na nating magtipid, hindi porke malakas ang kita ay sige na lang ng
sige, Si Cheska High School na sa susunod na pasukan, panibagong kagastusan na
naman. Papel na nga lang sa ngayong halos piso na ang isa.
Mang Vick: Alam mo Dolores, ang mahalaga
naman sa ngayong, nakakain tayo ng tatlong beses sa isang araw at malayo sa
karamdaman, at may nagagastos tayo sa ating mga anak. Hindi naman tayo basta na
lang Pababayaan ng Diyos.
Aling Dolores: Oo nga, andun na tayo, pero iba
na rin yung may mga naiimpok tayo sa pagdating ng panahon.
Lights Off.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento