IKAAPAT NA TAGPO
Lights On.
Kumakain ang mag-anak ng hapunan. Nagbukas ng usapan si Andrew.
Andrew: Grabe talaga
ang bagyong Yolanda, ni hindi pa nga nakakabangon sa nangyari sa Bohol eto na
naman at malaki ang napinsala sa kabisayaan.
Nicky: Tama kadiyan
kuya Andrew, bukod sa marami na nga ang napinsala, eh napakarami rin ang
namatay. Mapalad pa rin nga tayo ditto sa Mindoro kasi, hindi kasing tulad ng
lakas ng sa Tacloban ang humagupit sa atin.
Cheska: Kaya nga
nagkaroon ng Sign For a Cause sa School namin, itutulong sa mga nasalanta ng
bagyo.
Aling Dolores: Mga anak, alam
ninyo ba na may maitutulong pa rin tayo sa mga nasalanta ng bagyo. Yung mga
lumang gamit ninyo, pwede ninyong ibigay bilang donasyon, yung mga luma ninyong
damit, ibigay niyo na.
Andrew: Ako nga nay, ang
gagawin ko gagawa ako ng mga magagandang parol, tutulungan daw ako ng mga
kaibigan ko, ang mga malilikom naming pera, ibibigay na lang namin na tulong.
Aling Dolores: Magandang ideya
yan anak.
Nicky: Paano yan nay,
magaganda pa naman yung mga damit ko kahit luma na, sayang naman kung ipamimigay
ko lang. Mabuti sana kung nabibilhan nyo kami ng bago.
Aling Dolores: Aba naku Nicky!
Hindi magandang ugali ang ipinapakita mo. Ito ang lagi ninyong pakatandaan.
Hindi nangangahulugan na mayaman lang ang dapat na nagbibigay. Gayundin, ang
isang mahirap dahil sa siya ay mahirap ay hindi na kinakailangang magbigay o
tumulong, tatanggap na lang siya mula sa iba. Ang maliit na naibibigay ng isang
mahirap ay malaking bagay dahil hindi ito sobra sa kanyang pag-aari kundi
bahagi ng pangangailangan niya. ‘pagkat ang pagtulong sa kapwa para sa
kabutihan nila ay sunod sa pagmamahal natin sa Diyos.
(At saka ang
pagtulong ay walang pinipili. Kagaya na lang nang kwento ng panunuluyan nina
Maria at Jose o ang paghahanap ng pagsisilungan kay Hesus. Siguro kung alam
lang nila na anak ng Diyos ang isisilang ni Maria tiyak na hindi na sila
mag-iisip na patuluyin sila.)
Lights off. At
voice over and bahaging nakabracket. Pagkatapos nito lights on. Pagsasabuhay ng
panunuluyan nina Maria at Jose.
Maglalakad ng
marahan sina Maria at Jose. Inaalalayan ni Jose si Maria.
Jose: Mahal na ginoong may bahay/,
gawi ay nagbibigay galang/ saka tuloy na nanunuluyan. /Kami’y inyong
pahintulutan./
Isang may-ari ng
bahay (lalaki):
Sandali’t nais kong magtanong /kung saan sila buhat ngayon? /At saan naman
patutuloy /‘tong gabing ibig ninyo ngayon./
Jose: Malayo po kami nagbuhat /sa
Nazareth na aming bayan./ Nagtungo rito’t nagpatala’ /ayun sa kay Ceasar na
atang./
Maria: Ginoo ay pagod naming ito,/
tatlong gabi’t araw na siyang husto./ Sa sanggol sa sinapupunan ko, /iyong
tahana’t puso’y buksan mo./
Isang may-ari ng
bahay (lalaki):
Sana man ditto ay may lugar, /gaano man kayo ay pagbigyan /ngun it halos
pumutok na lang /aking bahay sa kapunuan./
Tatalikod sa tahanan
ang dalawa.
Jose: Paalam po aming maginoo,/
sintang Maria/ Paano Tayo?/
Maria: Jose kong irog wag kang matakot,/
poong Diyos di’ nakakalimot./
Jose: Hangga’t bukas pa’ng ilaw/ doon
sa kabilang tahanan /halika’t tayo’y dun tumawag. /Tao po kami’y mawalang
galang. /
Ikalawang may-ari
ng bahay(babae):
Paumanhin sino man kayong libong bahay /na sa isip ko darating ngayon /kilala
ko buong bahay dapat iwasto./
Maria: Butihin kong ginang/ kayo’y alam
sa buhay kong dinadala./
Jose: Kahit saan mang sulok/ sa ami’y
inyong ipagkaloob./
Ikalawang may-ari
ng bahay (babae):
Sabi nga nila’y uulitin/ may tanyag akong panauhin/ kailangan kong istimahin/,
paalam sa inyo ngayon din. /
Jose: ganitong buhay ba talaga?/
Walang lakas itong tadhana, /Halika aking tanging sinta /at may iba tayong
makita. /
Maria: Tayo may pagod at naghihirap/
dapat patuloy siyang paghahanap, /Panginoon sadya ngang naghihirap /sa mga
taong nagsusumikap./
Jose: Kaygandang bahay o iyong
tingnan,/ mabuting puso’y sanay nandiyan, /oh maawain pong may-bahay/ kami sana’y
manunuluyan./
Ikatlong may-ari ng
bahay (lalaki):
Tao o hayop baga kayo,/ at gabing-gabi’y nanggugulo./
Jose: Among pakiusap po lamang, /sintang
asawa ko’y agapan. /
Maria: Ang hirap nami’y wag indahin /sanggol
ang siya’y alalahanin. /
Ikatlong may-aro ng
bahay (lalaki):
buong bahay ko ngayo’y tulog/ at kayo’y nambubulabog,/ wala akong labis na
panahon/ sa tulad ninyong patay-gutom./
Jose: Kung ayaw niyo po’y ‘di na bale,/
kami po’y ‘wag lamang laitin./ Kami’y dukha at pulubi /may hawak ding puso’t
damdamin./
Maria: Jose halika’t maglakbay ulit /sa
kanya lang dapat sumangguni, /pag-asa nati’y di pa saksi /kundi ang Diyos ang
buong tangi./
Jose at Maria: Panginoong Hari ng kalangitan,/
maraming hindi maunawaan /tiwala sa iyo nakalagak /gawin ang ibig sa iyong
anak./
Lights off.
Lights on. Balik sa
eksena sa hapag kainan.
Nicky: Kawawa po pala sina Maria’t
Jose. Walang nagpatuloy sa kanila. Kapag ditto sila sa bahay naming pumunta,
patutuluyin ko sila. Sa kwarto ko pa sila ptutulugin. Makikita ko pa si Baby
Hesus.
Aling Dolores: Yan nga ang ibig kong sabihin sa
pagbibigay.
Mang Vick: nakakalungkot ngang isipin sa
panahon natin ngayon kung sino pa yung mayaman oh nakaluwag, sila pa yung
walang puso sa pagbibigay. Ang mga mahihirap naman , iniisip nila palagi na
wala silang maibibigay. Ang pagbibigay ay hindi lang sa pagkakaloob ng material
na bagay kahit na maliit, ito rin ay paglalaan ng iyong sarili para sa iba sa
simpleng paraan.
Lights off.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento