SAMAHAN NG MGA AKTIBONG KABATAAN NI STA. THERESA

SAMAHAN NG MGA AKTIBONG KABATAAN NI STA. THERESA

SAKASTHE - Panuluyan 2013 (Ikatatlong Tagpo)

Huwebes, Disyembre 26, 2013








IKATATLONG TAGPO

Sa boarding House ng kaklase ni Andrew. Maririnig ang usapan ng mga magkakaklase na noo’y gumagawa ng kanilang Mother Thesis. Medyo malakas din ang buhos kaya ito ang sumingit kaagad sa kanilang usapan.

Lights On.

Geoffrey: Ang lakas na naman ng buhos ng ulan. Kakatamad kapag ganito.

Ace: Speaking of malakas, Geoffrey. Napanood nyo ba yung laban ni Pacquiao at Rios. Grabe kampyun na naman ang Pilipinas. Ang dami na namang pera nitong si Pacquiao.

Andrew: Oo nga Ace, marami ngang pera, eh bakit hinahanting ng BIR. Ang ibig ko lang sabihin eh, bakit biglang lumabas ang isyu na ito tungkol sa TAX na hindi raw nababayaran.

Renz: Bakit nga ganun ano. Ito na ngang tao ang nagbigay karangalan sa bansa, eto pa siyang hinahanapan ng butas para sa ikasisira ng pangalan niya.

Ace:  Alam mo Renz, Iyon naman ay kung may mabigat na pagpapatunay ang BIR. Kapag wala eh baka mapahiya lamang sila.

Andrew: Bakit bay an ang pinuproblema natin, eh hindi na nga tayo magkanda-ugaga sa ating Thesis.

Tatayo si Geoffrey at magpapa-alam sandal.

Geoffrey: Mga tol, lalabas lang ako saglit huh, bibili ako ng meryenda natin. Para naman mas ganahan kayo sa paggawa ng ating Thesis.

Mapuputol na ang usapan at ipinagpatuloy na lang ang ginagawang thesis.

Lights Off.
 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

 

Like Us On Facebook

Free Web Counter

FRIENDSHIP

Sponsors

coolcat casino