IKALAWANG
TAGPO
Lights On. Si
Mang Vick Kainuman ang mga kaibigan na noo’y kadarating lamang galing Saudi.
Lucio: Hay naku grabe
na naman pala ang isyu ng Gobyerno ngayon. Ang laking usapin ng PORK Barrel
scam. Ang laki ng nagging pakinabang nitong si Napoles. Biruin mo,
Bilyon-bilyong halaga ng pera at mga ari-arian ang napasakamay niya.
Berong: Oo nga pareng
Lucio, pati mga kamag-anak ginawa na ring mga leader ng mga pekeng Non
Government Oranization o NGO. Pati nga katulong dawit parin.
Mang Vick: Bukod pa diyan
Pareng Lucio at Pareng Berong, maraming mga Congressman ang mga sangkot sa Pork
Barrel Scam na yan. Biruin mo, ang mga tao ay kumpletong nakakapagbayad ng mga
TAX, tapos ano, malulustay lang ng mga taong gahaman sa salapi. Ay sus!
Nakakapang-gigil talaga.
Berong: Kung sana
nagging maayos lang ang ating Pamahalaan. Di sana’y nakakasabay na tayo sa mga
mauunlad na bansa.
Lucio: Eh paano nga
mangyayari yun, kurapsyon pa lang, lustay na ang kaban ng bayan na dapat sana’y
naipapamahagi sa mga iba pang sangay at departamento para sa mga proyektong
mpapakinabangan ng mga tulad nating mahihirap.
Mang Vick: Hay Naku! Isa
pa tong iringan ni Mirriam Defensor Santiago at ni Juan Ponce Enrile. Pati mga
personal na problema binabanggit pa nila sa kanilang Privilege Speech.
Lucio: Alam mo pare,
mababaliw lang tayo sa kakaisip sa mga yan, tumagay na lang tayo at siguradong
masarap itulog yan mamaya. At tsaka dapat nag-eenjoy tayo ngayon.
Lights Off.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento