SAMAHAN NG MGA AKTIBONG KABATAAN NI STA. THERESA

SAMAHAN NG MGA AKTIBONG KABATAAN NI STA. THERESA

SAKASTHE PANULUYAN 2013 (UNANG TAGPO)

Huwebes, Disyembre 26, 2013







UNANG TAGPO Script

Papasok na ang mga mag-aaral ng ika-anim na baitang sa loob ng kwarto ng paaralan. Nang araw na iyon, naka schedule ang kanilang religion.

Lights On.

Eunice: Huwebes na naman, araw na naman ng kabanalan.

Cheska: Oo nga eh, pero at least, medyo solemn naman ang ating paligid.

Maam Red: Magandang Umaga mga bata!

Tatayo ang lahat at babati din.

Mag-aaral: Magandang Umaga din po Maam Red!

Maam Red: Simulan natin ang umagang ito sa pamamagitan ng panalangin. Sabay sabay tayong manalangin ng Ama Namin.

Sabay-sabay na sasambitin ng mga mag-aaral ang panalanging itinuro sa atin ng Panginoon.

Maam Red: Bilang panimula hayaan niyo munang kwentuhan ko kayo tungkol sa pagkakatawang tao ng Diyos at ang paglikha niya sa sanlibutan.

Eunice: Maam ibig po bang sabihin nun, bumaba ang Diyos mula sa langit at nagkunwaring tao?

Charles: Oo nga Maam, at bakit kailangan pa niyang maging tao?

Maam Red: Ganito yan mga bata. Hayaan ninyong simulan ko na ang kwento. Nilikha ng Diyos ang lahat pati ang tao. Inilagay niya ang tao sa isang paraiso. Napakaganda ng lugar na ito, napakainam sa kanila. Ang pangalan ng bababe ay si Eva at Adan naman ang lalaki.

Bago sila iniwan ng Diyos sa paraiso, hinabilinan Niya sila na maaaring nilang kanin ang lahat ng bungang kahoy maliban sa isang puno ng kamatayan. Ngunit isang araw ng mamasyal ang diyos sa paraiso...

Diyos: Adan, Adan, Saan kayo naroroon?

Adan: Naririto po kami, Panginoon! Ang yabag ng yong mga paa sa halaman kanina. Nagdulot sa amin ng takot at kaba pagkat kami’y walang saplot.

Diyos: Sinong may sabing kayo’y mga hubad? Sinuway nyo ba ang ipinag-uutos ko?

Adan: ang babaeng sa akin ay ipinagkaloob mo, ipinakain sa akin ang prutas na ‘yong ipinagbabawal.

Diyos: Eva, Bakit sinuway mo ako. Bakit mo piƱatas ang prutas na ipinagbabawal sa mundo.

Eva: Panginoon ako po’y nilinlang ng tusong ahas. Matutulad daw po kapag kinain ko ang yaong prutas.

Diyos: Ahas, sa ginawa mong ito, sumpain ka sa tanang mga hayop. Gagapang ka sa lupa sa pamamagitan ng iyong tiyan. Tanging alikabok ang iyong kakanin sa tanang sandal ng iyong buhay. Ikaw at ang babae ay maglalaban. Ang supling mo at supling niya, yayapakan niya ang ulo mo at kakagatin mo naman ang skong niya.
Babae, magdadalang tao ka at maghihirap sa’yong panganganak. Kakailanganin mo ang iyong asawa at siya ay iyong susundin. Lalaki, dahil sa napatukso ka sa iyong asawa, kinain mo rin ang bawal na bunga, sumpain ka sa lupa na yong bubungkalin, pagpapawisan mo mula ngayon ang inyong kakaniin.

Lights off. Voice over.

[Ito ang unang pagkakasala ng tao. Subalit ang pag-ibig ng Diyos sa tao ay hindi nagmamaliw, labis-labis at walang katulad. Kung babae ang nagging sanhi ng unang pagkaksala ng tao, babae rin ang kanyang pinili na maging instrument upang maganap ang kapatawaran at kaligtasan ng sangkatauhan. Ito ang pagkakaloob niya sa atin ng kanyang pinakamamahal na bugtong na anak na si Hesu-Kristo.]

Lights on. Ang pahayag ng Anghel kay Maria.

Anghel Gabriel: ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo!/ Huwag kang matakot, /Maria, /pagkat naging kalugod-lugod ka sa mata ng Diyos. /Maglilihi ka /at magsisilang ng isang sanggol na lalaki/ at papangalanan mo siyang Hesus./ Magiging dakila S’ya/ at kikilalaning anak ng kataas-taasan. /Maghahari siya sa angkan ni David/ magpakaylanman. /

Maria: Ngunit pa’no mangyayari ito pagkat ako’y birhen?

Anghel Gabriel: Bababa sa’yo ang banal na Espiritu /at lulukuban ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan/ kaya ang sanggol na isisilang mo /ay tatawaging anak ng Diyos./

Lights off. Voice over.

Maam Red: Ang pagsasakatawang tao ng Panginoong Hesukristo ay hindi isang automatic at agaran na sa isang kumpas lamang ng kanyang kamay ay tao na agad siya. Katulad natin siya’y ipinaghlihi nagging sanggol sa sinapupunan at isinilang.

Freeze. Lights Off.
 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

 

Like Us On Facebook

Free Web Counter

FRIENDSHIP

Sponsors

coolcat casino