SAMAHAN NG MGA AKTIBONG KABATAAN NI STA. THERESA

SAMAHAN NG MGA AKTIBONG KABATAAN NI STA. THERESA

SAKASTHE - Panuluyan 2013 (Ikalimang Tagpo)

Huwebes, Disyembre 26, 2013








IKALIMANG TAGPO

Lights On. Sa Opisina ng Paaralan. Makikita si Mang Vick na Busy sa ginagawang Liquidation ng kanyang budget para sa makukuhang budget ng MOOE. Si Mang Vick kasi ang Head Teacher III ng Sandigan Elementary School. Darating naman ang dalawang teacher na may dalang mga Form 48 at Form 2.

Mang Vick: Maupo muna kayo. (Uupo ang dalawang guro)Oh anong balita?

Sir James: Sir Vick, iba na talaga ang may kapit sa taas no. Ang bilis ng promotion.

Mang Vick: Sino bang tinutukoy niyo, si Sir Pelaez ng Banghay Elementary School?

Sir Robert: Eh sino pa ba ang may contact sa Regional Office, siya lang naman di ba? Kaya pala panay ang punta sa Manila at doon ay nagpapalangis.

Sir James: Sir Robert, tama ka diyan!
Mang Vick: Sir James, Sir Robert. Hindi naman siguro sa ganun. Baka naman kumpleto siya sa kanyang mga reports at iba pang mga papers. Kaya madali siyang nakakakuha ng promotion. Sa usapin naman kung bakit siya pumupunta lagi ng Manila, ay baka nagpapasalamat lang dun sa tao na tumulong sa kanya para sa kanyang promotion.

Sir Robert: Naku sir, kahit ano pang sabihin mo, talaga namang totoong may kapit lang yun sa taas kaya napopromote.

Lights Off.

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

 

Like Us On Facebook

Free Web Counter

FRIENDSHIP

Sponsors

coolcat casino